Sabado, Oktubre 8, 2016

Kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa upang makamit ang pambansang kaunlaran

Kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa upang makamit ang pambansang kaunlaran


     Gaano nga ba kahalaga ang ating wikang pambansa sa pagkamit ng ating kaunlaran? Marahil siguro marami na sa ating mga Pilipino ang nakakalimutan na ang paggamit ng ating sariling wika. Nakalimutan na nila kung saan sila nagmula, mga kulturang nakagisnan ay kanila nang nilisan. Sabi nga nila tuluyan nang nakain ng sistema.  Sa paglipas ng mga panahon itoy tuluyan ng nakalimutan sa pag-usbong ng mga iba't -ibang wika na ngayo'y ating nang ginagamit. Ngunit di pa ba sapat na ika'y Pilipino at kailangan mo pang kalimutan ang iyong nakaraan. Minsan man lang ay ipakita natin ang pagmamahal natin sa ating wika at kultura tulad ng pagmamahal mo sa kanya na walang hinihintay na kapalit. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas ng pagkakaroon ng sariling paa dahil ito'y tumatayong instrumento upang tayo'y magkaunawaan at magkaisa kung saan ito ang unang habang patungong kaunlaran. Datapwat sa paglipas ng panahon ay unti-unting nababawasan ang ating diwang maka-pilipino dahil sa patuloy na paglaganap ng impluwensya ng mga banyaga. Sa larangan ng musika at palaro, sa pananamit at pagkain, at kahit sa pananalita, litaw na litaw ang bakas ng dayuhan. Nakakalungkot mang isipin, madalas ay mas pinipili pa natin ang kulturang banyaga kaysa sa Lupang Sinilangan. Subalit bilang isang mamayang Pilipino, hindi lamang tuntunin natin payabungin ang ating kultura, sa halip ay utang na loob na rin natin ito sa ating Inang Bayan na ating pinagmulan at kinagisnan. Lahat tayo ay namulat sa isang bansang may iba't-ibang dayalekto. Gayunpaman, nagtatagpo pa rin ang ating mga gustong iparating ng ating mga isip dahil sa ating wika at yun ay ating mithiin na makamit ang ating pambansang kaunlaran. Ako'y naniniwala na kung di man ngayon, ay balang araw na tayo mismong mga Pilipino ang makakasaksi sa pagsibol ng pambansang kaunlaran.



" Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." - Gat. Jose Rizal